LRT-1, LRT-2 at MRT-3, may dalawang linggong libreng sakay para sa FIBA participants

Nag-alok ng dalawang linggong libreng sakay ang LRT-1, LRT-2 at MRT-3 sa lahat ng kalahok sa FIBA Basketball World Cup.

Tatagal hanggang September 12 ang alok na free ride ng LRT habang hanggang September 10 sa MRT-3.

Kabilang sa mga maaaring maka-avail ng free ride ang mga miyembro ng local organizing committee, official volunteers, accredited media, FIBA safety and security personnel, technical ang participating teams, mga atleta, coaches, at mga delegado mula sa iba’t ibang bansa.


Facebook Comments