Impeachment complaint kay Pangulong Duterte, ire-refer na sa Justice Committee

Manila, Philippines – Ipapasa na ng liderato ng Kamara sa House Committee on Justice ngayong hapon ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte na inihain ni Magdalo Rep. Gary Alejano.

Sinabi ni House Majority Leader Rodolfo Fariñas na kasama na ito sa order of business ng sesyon mamaya.

Ayon naman kay Justice Committee Chairman Reynaldo Umali, uumpisahan na nila sa Lunes ang pagdinig sa reklamo ni Alejano laban sa Pangulo para mabilis na matapos ito.


Nanawagan naman si Albay Rep. Edcel Lagman sa liderato ng Mababang Kapulungan na bigyan ng due process ang complaint ni Alejano laban sa Pangulo.

Ayon kay Lagman, hindi maaaring basta maisantabi ang ganitong impeachment complaint nang hindi naisasalang sa pormal na pagdinig, alinsunod na din sa Saligang Batas.

Sa pagdinig, hindi lamang ang porma at laman ng impeachment complaint ang dapat anyang tukuyin kundi kung may probable cause para marinig din ang panig ng ipina-iimpeach na opisyal.

Ground ng impeachment complaint ni Alejano ang culpable violation of the constitution, betrayal of public trust, bribery at other high crimes.

DZXL558

Facebook Comments