PNP, bukas sa imbestigasyon ng CHR sa pagpatay sa Abu Sayyaf member na si Abu Saad sa Bohol

127

Manila, Philippines – Nagsasagawa na nang sariling imbestigasyon ang PNP sa nangyaring pagkamatay ng miyembro ng Abu Sayyaf na si Abu Saad sa lalawigan ng Bohol.

Kasunod ito ng inilabas na report ng CHR na ito ay malapitang binaril sa ulo.


Ayon kay PC Supt. Dionardo Carlos ng PNP PIO, kumikilos na ang PNP Internal Affairs Service sa kasong ito.

Maliban pa sa imbestigasyon ng Bohol PNP, sinabi ni Carlos na welcome para sa kanila kung may sariling imbestigasyon ang CHR.

Importante aniyang malaman kung may kapabayaan sa panig ng mga pulis ay dapat nila itong panagutan.

Matatandaang sa ulat ng Police Regiona office 7, nagtangka umanong tumakas si Saad nang ilipat na sa Bohol District Jail.




Nagtangka rin daw itong mang-agaw ng baril kaya siya napatay ng mga pulis.

DZXL558

Facebook Comments