Impeachment complaint laban kay Chief Justice Sereno, senyales ng diktatoryang pamumuno sa hinaharap ayon sa militanteng grupo

Manila, Philippines – Suportado di umano ni Pangulong Rodrigo Duterte ang impeachment complaint na inihain sa mababang kapulungan laban kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ito ang sinabi ni Renato Reyes, Secretary General ng grupong Bagong Alyansang Makabayan.

Ito ayon kay Reyes, ay dahil nasa 25 mambabatas ang nag-endorso ng impeachment complaint. Patunay aniya na gumagalaw ang super majority na kaalyado ng Pangulo mula sa mababang kapulungan.

Ayon kay Reyes, sa oras na magtagumpay ang balak na pagpapaalis sa pinuno ng Korte Suprema at Ombudsman, ay hindi na malabo ang pagkakaroon ng diktaturyang pamahalaan sa bansa, lalo na kung magiging kaalyado na ng pangulo ang lahat ng sangay ng pamahalaan.


Facebook Comments