Impeachment Complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista, inihain na sa Kamara

Manila, Philippines – Inihain na nila Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto Paras sa tanggapan ni House Secretary General Cesar Pareja ang impeachment complaint laban kay COMELEC Chairman Andres Bautista.

Kasama ng dalawang complainant ang mga endorser na sina Cavite Rep. Abraham Tolentino, Deputy Speaker at Cebu Rep. Gwen Garci at Kabayan Rep. Harry Roque.

Dalawang grounds ang isinampa sa impeachment complaint laban kay Bautista, ito ay ang betrayal of public trust at culpable violation of the Constitution.


Pinagbatayan ng nasabing reklamo ang sinasabing 1 Billion ill-gotten wealth ni Bautista na ibinulgar ng kanyang asawa na si Patricia Bautista, ang hindi nito tamang pagdedeklara ng SALN, ang pagtanggap ng komisyon mula sa Smartmatic mula sa Divina Law Office, COMELEAK o pag-leak ng records ng mga botante at ang script tweak o ang pagpapalit ng script ng Ñ sa bilangan ng boto noong 2016 election.

Kampante ang mga naghain ng reklamo at mga endorsers na matibay ang kanilang iprinisentang dokumento laban kay Bautista.

Facebook Comments