Manila, Philippines – Balak sampahan ng kasong impeachment ngayong linggo si Ombudsman Conchita Carpio Morales.
Betrayal of public trust at culpable violation of the constitution ang isasampa ni Enrico Belgica at ng grupong Tanggulang Demokrasya Incorporated.
Giit nila, namimili ang Ombudsman ng mga kakasuhan.
Maliban rito, biktima rin anila sila ng kawalan at kakulangan ng aksyon ng Ombudsman.
May mga kongresista na rin anilang nagpahayag ng suporta sa kanilang reklamo pero hindi muna nila pinangalanan.
Giit pa nila, nais rin ng pamilya ng SAF 44 at ilang dating mambabatas na ma-impeach si Morales.
Facebook Comments