Manila, Philippines – Kinakitaan ng kahinaan ang kopya ng impeachment complaint na planong ihain ng Volunteers Against Crime and Corruption laban kay Ombudsman Conchita Carpio-morales.
Dahil dito, hindi iendorso ni House Minority Leader Danilo Suarez nasabing impeachment complaint.
Ayon kay Suarez, pinaaral na niya ang kopya ng complaint sa kanyang legal staff at natukoy nilang mahina ito.
Sa katunayan, maikukumpara ang kahinaan nito sa naibasurang impeachment complaint ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Pangulong Duterte.
Inihayag ni Suarez na may isang daan at dalawampung kaso pa laban sa mga kaalyado ng Aquino administration kaugnay ng pork barrel scam ang hindi naaksyunan ng Ombudsman at sinasabing nagsabwatan ang Ombudsman at dating Justice Secretary at ngayo’y Senator Leila de Lima para upuan ang mga kaso.
Pero ayon kay Suarez, hindi niya alam kung sapat na basehan ito para iimpeach si Morales.
Bukod dito, inamin ni Suarez na wala ng panahon ang Kamara para sa panibagong impeachment.
DZXL558