Kongresista, may hamon kay Cayetano bilang bagong DFA Secretary

44

Manila, Philippines – Iginiit ni Buhay PL Rep. Lito Atienza na maraming dapat na patunayan si Sen. Allan Peter Cayetano bilang bagong Secretary ng Department of Foreign Affairs.

Ayon kay Atienza, dapat na maipakita ni Cayetano na karapat dapat siya sa DFA lalo pa’t isa sa mabigat na gampanin ang maupo bilang Kalihim ng kagawaran.

Dapat aniyang maipakita ni Cayetano ang pagiging makabayan at tunay na Pilipino lalo na sa mga hakbang sa mga mga isyu na kinakaharap ng ahensya sa pakikipagugnayan sa ibang mga bansa at sa isyu ng mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Paliwanag ni Atienza, hindi dahil piniling maging DFA Secretary si Cayetano ay dapat na itong sumunod o umayon sa mga gusto ni Pangulong Duterte.

Dapat din aniyang may sariling aksyon si Cayetano para sa pagbibigay proteksyon sa interes ng bansa.

Ngayong araw ay mabilis na nakumpirma ng Commission on Appointments si Cayetano bilang bagong Kalihim ng DFA.
DZXL558

Facebook Comments