Manila, Philippines – Uumpisahan na ngayong umaga angpagdinig sa impeachment complaint na inihain laban kay Pangulong Duterte.
Pagtitiyak ni House Committee on Justice ChairmanReynaldo Umali na hindi mamadaliin ang proseso ng pagdinig.
Dito ay dedesisyunan nila kung sufficient in form atsufficient in substance ang reklamo.
Inaakusahan sa reklamo si Pangulong Duterte nang maramihangpagpatay kaugnay ng kanyang giyera kontra iligal na droga, gayundin ngkorapsyon dahil sa undeclared assets nito, betrayal of public trust at culpableviolation of the constitution.
Kung para sa komite ay walang dapat na porma ang reklamo,ibabalik ito sa secretary general ng Kamara sa loob ng 3 session days.
Ang secretary general naman ay meron ding 3 araw paraibalik ang complaint kasama ang resolusyon ng komite.
Pero kung sufficient in form, tutukuyin ng komite kungsufficient in substance o kung may basehan ang reklamo.
Kapag wala, ibabasura ang impeachment complaint at agadring magsusumite ng report habang walang reklamo na maaaring ihain laban kayPangulong Duterte hanggang sa marso ng susunod na taon dahil sa limit na oneyear period.
Impeachment complaint laban kay P-Duterte, dadaan sa tamang proseso
Facebook Comments