Impeachment complaint laban kay Pangulong Duterte, hindi susuportahan ng partido liberal

59
Manila, Philippines – Hindi susuportahan ng mga miyembro ng Liberal Party sa Kamara ang inihaing impeachment case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
 
Ayon kay House Deputy Speaker Miro Quimbo, isa sa mga opisyal ng LP – wala sa timing ang impeachment case ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban kay Duterte.
 
Paliwanag ni Quimbo na hindi maganda para sa isang demokratikong bansa na pag-usapan agad ang impeachment gayong kakatapos lang halos ng Halalan.
 
Duda rin si Quimbo na magtatagumpay ang nasabing kaso dahil popular ang Pangulong Duterte.
 
Maituturing din aniyang iresponsable ang pagsasampa ng nasabing kaso.
 
Ilan sa mga grounds sa pagsasampa ni alejano ng impeachment complaint laban sa pangulo ay ang:
 
•          Culpable violation of the constitution
•          Bribery
•          Betrayal of public trust
•          Graft and corruption
•          at iba pang high crimes.


Facebook Comments