Pagdadala ng malalaking gadget sa eroplano, bawal na rin sa United Kingdom

Manila, Philippines – Ipinagbabawal na rin sa United Kingdom ang pagdadala ng malalaking electronic device gaya ng laptops, tablets sa loob ng eroplano dahil sa patuloy na banta ng terorismo.
 
Ang nasabing hakbang ay unang ipinatupad sa Estados Unidos matapos makatanggap ang kanilang intelligence agency na may banta ng extremist group sa kanilang bansa.
 
Ang mga pagbabawal ay epektibo lamang sa mga airline companies na nakabase sa Turkey, Lebanon, Jordan, Egypt, Tunisia at Saudi Arabia na nagpupunta sa US at UK.


Facebook Comments