Manila, Philippines – Sinimulan na ng House Committee on Justiceang pagdinig sa inihaing impeachment complaint laban kay Pangulong RodrigoDuterte.
Kasunod na rin ito ng pagdedeklara ni Committee Chair. ReynaldoUmali ng quorum.
Dito, aalamin ng komite kung sufficient in form andsubstance ang isinampang kaso ni Magdalo Rep. Gary Alejano laban sa pangulokaugnay sa pagkakasangkot umano nito Davao Death Squad, war on drugs ngpamahalaan at ang kanyang umano’y unexplained wealth.
Sa pagdinig, nagisa si Alejano matapos siyang tanungin niHouse Majority Leader Rudy Farinas kung mayroon ba itong personal knowledge sawalong libong napatay sa war on drugs dahil posibleng tsimis lang ito.
Pero depensa ni Alejano, kung ang usapan ay ang walonglibong pagpatay mismo, wala siyang personal knowledge sa bawat kaso pero lahatng testimonya at mga records ay kanilang bineripika.
Ninais naman ni Rep. Harry Roque na ideklara na secondimpeachment complaint ang inihaing supplemental complaint ni Alejano ngunithindi ito pinayagan ng komite.
Impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte – inumpisahan nang talakayin sa Kamara
Facebook Comments