Janet Lim Napoles – pinalilipat na ng kulungan, mosyon ng kampo ng pork barrel scam queen na ilipat sa NBI custodial facility – ibinasura ng Sandiganbayan

89

Manila, Philippines – Ipinag-utos na ng SandiganbayanFirst Division sa Bureau of Jail Management and Penology ang paglilipat kaypork barrel scam queen Janet Lim-Napoles.
  Mula sa Correctional Institute for Women sa MandaluyongCity, ililipat si Napoles sa detention facility ng Camp Bagong Diwa, TaguigCity.
  Ito ay matapos na katigan ng anti-graft court ang mosyonng prosekusyon kasunod ng pagkakabasura ng Court of Appeals sa kaso ni Napoles ukolsa serious illegal detention na isinampa ni Benhur Luy.
 
Hindi naman pinagbigyan ng korte ang hiling ng kampo ni Napolesna ilipat ito sa National Bureau of Investigation Custodial Center.
  Dahil na rin ito nang matinding banta sa seguridad ni Napolessa mga nakalipas na araw, lalo na nang mapag-usapan ang posibleng pagtestigonito laban sa iba pang sangkot sa pork barrel fund scam.
 
 
   

Facebook Comments