Manila, Philippines –
Isinampa na sa Kamara ni Magdalo Rep. Gary Alejano ang impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Dakong alas-10:10 kaninang umaga nang magtungo si Alejano sa Office of Secretary General sa House of Representatives para pormal na ihain ang impeachment complaint.
Sa press conference, sinabi ni Alejano na ang basehan ng kanyang inihaing impeachment complaint laban kay Pangulo Duterte ay ang Violation of the Constitution, Betrayal of Public Trust, Graft and Corruption, Bribery at High Crimes.
Ayon kay Alejano – ang mga grounds sa impeachment complaint ay ang sunod-sunod na kaso ng etra Judicial Killings, Davao Death Squad, paghire ng 11,000 ghost employees noong mayor pa si Digong ng Davao City at secret arrangement sa China.
Kasabay, binigyan diin ng mambabatas na wala silang plano o anumang iniisip na labag sa batas sa pagtutol sa pamamalakad ni Pangulong Duterte.
Tungkulin lamang aniya nila na magbigay ng daan sa mga nais makibahagi sa makasaysayan at makatuwirang krusada para sa ikabubuti ng mga mamamayan.
Bagamat aminado si Alejano na mas marami ang bilang ng Pro-Duterte sa Kamara, naniniwala pa rin sila na ang impeachment ay ilalaban din sa labas ng Kongreso.
RMN News Nationwide: “The Sound of the Nation.”, RMN DZXL Manila
Facebook Comments