Manila, Philippines – Inaprubahan na ng House Justice Committee ang committee report kaugnay sa pagbasura ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Mabilis lamang na inaprubahan ng komite ang committee report na inabot lamang ng 20 minuto.
Unanimous ang naging botohan na tuluyang nagpapabasura sa impeachment complaint.
Ayon kay Justice Comm. Chair. Reynaldo Umali – dahil naibasura na ang reklamo, ito na ang simula ng one year ban rule na nagbabawal ng paghahain ng panibagong impeachment complaint laban sa pangulo sa loob ng isang taon.
Ang committee report na ito ay iaakyat pa sa plenaryo kung saan aaprubahan ang dismissal ng impeachment complaint.
Maaaring namang may humirit pa na baligtarin ang desisyon ng komite pero imposible na ito dahil ang super majority ng Kamara ay kakampi ng Pangulong Duterte.
DZXL558