
Hindi pa tinatanggap ng House of Representatives ang impeachment complaint nina dating National Youth Commission Chairperson Ronald Cardema at dating Congresswoman Marie Cardema laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ito ay dahil wala ngayong araw sa kanyang tanggapan si House Secretary General Reginald Velasco na siya lang pwedeng tumanggap ng reklamong impeachment base sa rules ng 19th Congress.
Bunsod nito ay babalik sa Kamara sa Martes ang mag-asawang Cardema upang muling ihain ang impeachment complaint laban kay Pangulong Marcos.
Ang impeachment complaint ng mga Cardema ay inendorso naman ni Duterte Youth Partylist Representative Drixie Mae Cardema.
Kabilang sa nakapaloob sa reklamong impeachment laban kay PBBM ay ang pagpayag nito na maaresto at madala sa The Netherlands si dating Pangulong Rodrigo Duterte.









