Impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen, inendorso na sa Committee on Rules

Naisumite at inendorso na ni House Speaker Lord Allan Velasco ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen sa House Committee on Rules.

Sa liham ni Velasco na may petsang March 25, 2021, ipinapasa na nito sa “order of business” ang impeachment complaint laban sa Associate Justice para maisama sa agenda ng sesyon.

Magkagayunman, naka-session break naman ang Kamara hanggang May 16.


Ang nasabing reklamo ay inendorso sa Kamara ni Ilocos Norte Repsentative Angelo Barba na pinsan ni dating Senator Bongbong Marcos.

Mababatid naman na si Leonen ang “in-charge” sa ibinasurang electoral protest ni Marcos laban kay Vice President Leni Robredo sa Presidential Electoral Tribunal (PET).

Ang impeachment complaint ay nag-ugat sa sinasabing kabiguan ni Leonen na maghain ng kanyang Statement of Assets, Liabilities and Netwoth (SALN), at pagkaantala ng mga resolusyon na nasa kanyang dibisyon.

Inihain ang reklamo noong December 2020, ng grupong Filipino League of Advocates for Good Government sa pangunguna ng Secretary General nito na si Edwin Cordevilla.

Facebook Comments