Impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno, sisimulan nang dinggin sa Miyerkules

Manila, Philippines – Sisimulan na sa Miyerkules (Sept. 13) ang paggulong sa Kamara ng impeachment complaint laban kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ayon kay House Justice Committee Chairperson, Reynaldo Umali – pag-iisahin na lang ang mga complaint na inihain ni Atty. Larry Gadon at ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC).

Sinabi naman ni Atty. Gadon na, na tatlong justices ang tetestigo laban kay Sereno kahit na hindi sila imbitahin sa hearing.


Tumanggi namang tukuyin ni Gadon ang pangalan ng tatlo dahil na rin sa pakiusap ng mga ito.

Sa kabuuan ay mayroon nang 41 mambabatas na nag-endorso sa impeachment complaint laban kay Sereno.

Facebook Comments