Impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Sereno, sasalang na sa House Committee on Justice

Manila, Philippines – Sasalang na ngayong araw sa House Committee on Justice ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Rep. Reynaldo Umali, pabibilisin nila ang impeachment laban kay Sereno na inindorso na ng nasa 41 kongresista.

Bahala na aniya si Sereno kung gusto nitong dumalo sa paglilitis ng kaniyang impeachment na itutuloy ng kaniyang komite.


Sa ikalawang impeachment complaint ni Atty. Larry Gadon, inakusahan nito si Sereno ng paglabag sa 1987 constitution dahil sa betrayal of public thrust sa pagbili ng Toyota land cruiser na nagkakahalaga ng P5.1m na ang totoong presyo ay nasa P4.5m lamang.

Gumasta rin umano si Sereno ng P3M para maipa-bullet proof ang nasabing behikulo.

Facebook Comments