Impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo, ilalabas ngayong araw

81

Manila, Philippines – Isasapubliko na ngayong araw ang kopya ng impeachment complain laban kay Vice President Leni Robredo.
 
Ayon kay Atty. Trixie Angeles, haharap sa media ang mga maghahain ng complaint bago ito tutuloy sa tanggapan ng Secretary General (SecGen) ng House of Representatives.
 
Una nang nagbigay kay House Speaker Pantaleon Alvarez ng kanilang version ng impeachment sina Atty. Oliver Lozano at Mel Chavez.
 
Giit nila, layon ng kanilang complain kay Robredo ang ipinadala nitong video message sa United Nations (UN) ukol sa kaso ng mga pagpatay sa Pilipinas.
 
Pero para sa ilang mambabatas, duda silang impeachable offense ang ginawa ni Robredo kaya dadaan muna ito sa pagsusuri ng House Committee on Justice.
 

Facebook Comments