Terror attack sa British parliament, iniimbestigahan na

Manila, Philippines – Nagsagawa ng imbestigasyon sa likod ng madugong pagsalakay ng isang lalaki sa British parliament sa London, England.
 
Ayon kay acting deputy commissioner at head ng counter terrorism unit ng metropolitan police na si Mark Rowley – itinuturing pa ring terrorist attack ang nasabing insidente kahit ia lamang ang itinuturong suspek sa pag-atake.
 
Sa ulat, inararo ng hindi pa nakikilalang suspek ang hanay ng mga pedestrian sa Westminster bridge, ilang metro lamang ang layo mula sa British parliament.
 
Matapos ito, sunod namang sumalakay ang suspek at pumasok sa compound ng British parliament habang bitbit ang isang patalim.
 
Sa ngayon, apat ang kumpirmadong nasawi sa insidente kabilang ang suspek.
 

 

Facebook Comments