Impeachment complaint na inihain sa Kamara, pinababasura ng kampo ni CJ Sereno

Manila, Philippines – Ipinababasura ni Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa Kongreso ang impeachment complaint laban sa kanya.

Sa 85-pahinang “verified reply” ni Sereno, sinabi niyang walang katotohanan ang lahat ng mga alegasyon ni Atty. Lorenzo Gadon.

Ayon kay Atty. Alexander Poblador, lead counsel ni Sereno, malinaw na galing lamang sa mga news reports o articles ang mga umano’y authentic documents na nakapaloob sa impeachment complaint.


Aniya, hindi rin lumabag sa konstitusyon si Sereno sa pamemeke ng anumang resolusyon, TRO, o issuance ng SC dahil lahat ng ito ay dumaan sa en banc.

Wala rin aniya ginawang “internally delay” sa mga petitions para sa requirements o survivor benefits.

Iginiit pa ni Poblador, naideklara ni Sereno ng tama ang kanyang SALN at nagbayad ng tamang buwis.

Hindi rin totong may korupsyon si Sereno dahil lamang sa pagbili ng Toyota land cruiser.

Apela pa ng punong mahistrado mag desisyon base sa totoong ebidensya at hindi sa politka.

Facebook Comments