National Intelligence Committee, ipina-overhaul ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang re-organization ng National Intelligence Committee (NIC).

Sa kanyang administrative order number 7, inamyendahan nito ang administrative order no. 68 para maisama sa NIC ang Philippine Drug Enforcement Agency, Philippine Coast Guard at Office of Transportation Security.

Gusto kasi ni Pangulong Duterte na lalo pang palakasin ang intelligence gathering capabilities ng naturang komite.


Kailangan aniya ang ganitong pagbabago para na mabigyan ng higit na proteksyon ang bansa laban sa mga kalaban ng estado lalo na sa aspeto ng terorismo.

Ang National Intelligence Committee ay binuo noong 2003 para magsilbing advisory ng National Intelligence Coordinationg Agency (NICA).

Facebook Comments