Manila, Philippines – Planong mag hain ng impeachment complaint ang oposisyon laban sa walong Justices na bumoto pabor sa quo warranto na inihain laban kay dating Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ayon kay Akbayan Representative Tom Villarin, mag hahain sila ng impeachment complaint bago mag-sine die adjournment ang Kamara laban sa mga Justices na sina SC Associate Justices
Teresita De Castro
Diosdado Peralta
Lucas Bersamin
Francis Jardeleza
Samuel Martires
Noel Tijam
Andres Reyes Jr.
Alexander Gesmundo
Sinabi ng kongresista na culpable violation of the Constitution ang nilabag ng walong mahistrado matapos bumoto ng pabor para mapatalsik si Sereno.
Iginiit ni Villarin na tanging impeachment lang sa Kongreso at hindi quo warranto ang paraan para mapatalsik ang dating punong mahistrado.
Kahit may quo warranto, hindi aniya mapipigil ng Korte Suprema ang Kamara dahil hiwalay na proseso ang impeachment.