
Hindi pa naisusumite ng House Secretary General sa tanggapan ni House Speaker Faustino “Bojie” Dy III ang dalawang impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte, na parehong inihain noong February 2, ayon sa pagkumpirma mismo ng speaker.
Ang unang reklamo ay inihain ng Makabayan Coalition at inendorso nina Representatives Antonio Tinio, Sara Elago, at Renee Co ng Makabayan Bloc.
Ang ikalawang reklamo naman ay inihain ng mga progresibong grupo sa pangunguna ng Tindig Pilipinas, at kabilang sa mga nag-endorso sina Mamamayan Liberal Party-list Rep. Leila de Lima at Akbayan Party-list Rep. Perci Cendaña.
Kabilang sa mga grounds na nakasaad sa magkahiwalay na impeachment complaints laban kay VP Duterte ang betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, at graft and corruption.










