Tuesday, February 17, 2026

Impeachment complaints laban kay VP Sara, masinsinang tatalakayin ng House Justice Committee

Masinsinang gagawin ang deliberasyon ng House Committee on Justice sakaling ma-irefer dito ang mga reklamong impeachment laban kay Vice President Sara Duterte na ngayon ay nasa tatlo na.

Sinabi ito ni Committee Chairperson at Batangas Rep. Gerville Luistro makaraang maipadala na ng House Secretary General sa tanggapan ni House Speaker Faustino Dy III ang mga reklamong impeachment laban sa bise presidente.

Inaasahang maisasama na ang mga ito sa order of business sa plenary session ng Kamara bukas, Miyerkules.

Tiniyak ni Luistro na gagamitin ng komite sa mga reklamo laban kay VP Sara ang parehong constitutional standards, mga parametro, at naging takbo ng deliberasyon sa dalawang impeachment complaint laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naibasura na.

Facebook Comments