Manila, Philippines – Iginiit nina Senators Bam Aquino at Risa Hontiveros sa mga mahistrado ng Kataas Taasahang Hukuman na malinaw sa konstitusyon na impeachment lang ang tanging paraan para mapatalsik ang mga Impeachable Officials tulad ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ang pahayag nina Aquino at Hontiveros ay sa harap ng Quo Warranto Petition na nakahain sa Supreme Court na nagpapawalang bisa sa pagkakatalaga kay Sereno.
Umaasa si aquino na magpapasya ang Supreme Court pabor sa itinatakda ng saligang batas upang mapatibay ang institusyon at mapalakas ang umiiral na demokrasya sa bansa.
Para naman kay Senator Hontiveros, pinapahina ng Quo Warranto Petitiona ang silbi ng Senado.
Sa tingin ni Hontiveros, ito ay tila pagdududa sa kakayahan ng Senado na gawing patas at walang kinikilingan ang Impeachment Trial kay Sereno.