Manila, Philippines – HIndi nababahala ang economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa posibleng epekto ng pagsisimula ng impeachment trial laban sa Pangulo sa kamara na sisimulan sa darating na Lunes sa ekonomiya ng bansa at sa mga proyektong pang ekonomiya ng administrasyon.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, ang impeachment process ay isang political process at kasama ito sa tinatawag na workings of democracy ng bansa pero ang paglago ng ekonomiya ay magtutuloy tuloy lang.
Binigyang diin ni Tugade na hindi magiging sagabal o walang epekto ang impeachment process sa development ng Pilipinas.
Matatandaan na sinabi ni Tugade na ibinida nila sa naganap na world economic forum ang Dutertenomics o mga plano ng administrasyon para mapalago ang ekonomiya sa pamamagitan ng marami at malalaking infrastructure projects.
DZXL558