Implementasyon ng Alert Level System sa bansa, tagumpay ayon sa DILG

Maituturing na matagumpay ang implementasyon ng Alert Level System sa buong bansa.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Usec. Jonathan Malaya na maganda rin ang feedback na kanilang natatanggap mula sa mga probinsya.

Sa kasalukuyan aniya ay wala silang naitatalang problema at sa katunayan, nakakakita na aniya ng pagbaba sa mga bagong kaso ng COVID-19.


Bukod dito, bumubuti na rin aniya ang hospital utilization rate hindi lamang sa Metro Manila, kung hindi maging sa iba pang panig ng bansa.

Ayon pa kay Usec. Malaya, bago sila magdagdag ng mga probinsya na mapapabilang sa pilot study ng Alert Level System, ipinapaalam muna nila sa concern Local Government Unit (LGU) at sa oras na pumayag ang mga ito ay agad na nagsasagawa ng orientation ang national government upang maging maayos ang implementasyon nito.

Facebook Comments