Implementasyon ng alert level system sa buong bansa, hinihintay pa ang kumpas ng mga eksperto

Inaantabayan pa ng Palasyo ang payo o hatol ng mga eksperto kung tuluyan nang ipatutupad ang alert level system sa buong bansa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque kumpas na lamang ng mga eksperto ang hinihintay kung gagayahin din ito sa iba pang panig ng bansa.

Ani Roque, kakatapos lang ng first pilot, kaya’t mas mainam na hintaying ma-analyze nang husto ng mga dalubhasa ang datos para magkaroon ng konklusyon.


Una nang sinabi ng pamahalaan na epektibo ang pilot implementation ng alert level system sa kalakhang Maynila dahil patuloy na bumababa ang kaso ng COVID-19, bumababa rin ang hawaan at ang mga positibo lamang ang ina-isolate at isinasailalim sa granular lockdown habang ang iba ay malayang nakapaghahanap-buhay basta’t nakatatalima lamang sa minimum health protocols.

Facebook Comments