Implementasyon ng Alert Level System sa NCR, nakatulong para makontrol ang kaso ng COVID-19

Naniniwala ang One Hospital Command Center (OHCC) na nakatulong ang pilot implementation ng Alert Level System sa National Capital Region (NCR) para makontrol ang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Ayon kay Dr. Marylaine Padlan ng OHCC, bumaba na sa 200 hanggang 300 ang tawag na kanilang natataggap na karamihan ay mula sa NCR.

Aniya, malaki ang ibinaba nito mula sa 500 na tawag na kanilang natatanggap kada araw noong Agosto.


“In terms naman po kung reflective po ito, iyong alert level system natin sa data that we have, mahirap po sabihin iyon ‘no because iyong calls naman po namin kasi, hindi naman siya purely galing sa NCR. We still receive calls from different provinces, from different regions. While iyong alert level system natin, was only implemented naman po sa NCR lang.” ani Padlan

Sabi pa ni Padlan, kumpara sa kasagsagan ng surge, nakagagawa na sila ng mas maraming referral sa mga pasyente.

Facebook Comments