Recycled dress na gawa sa 10-libong balat ng kendi – ibinida ng isang babae sa Pennsylvania

Pennsylvania – Proud na inirampa ng isang babae mula Pennsylvania ang ginawa niyang recycled dress gamit ang higit 10-libong balat ng kendi!

Kwento ni Emily Seilhamer – limang taon ang ginugol niya bago naipon ang libu-libong balat ng Straburst candy.

Noong college daw kasi siya lagi siyang kumakain ng Straburst at lalo niya itong nakahiligan simula nang mapang-asawa niya si Malachi na big fan rin ng nasabing kendi.


Kaya sa halip na itapon ang balat, naisipan niya na lang itong ipunin at gawing kapaki-pakinabang.

Katunayan, isinuot niya ito sa wedding reception nila ng kanyang mister.
DZXL558

Facebook Comments