Implementasyon ng Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying Ordinance, inihinto na sa Valenzuela City

Itinigil na ng Valenuzuela City Government ang pagpapatupad sa Anti-Hoarding and Anti-Panic Buying Ordinance Number 669.

Magugunitang ipinatupad ito noong Marso para maiwasan ang pagkaubos ng mahahalagang produkto sa mga pamilihan kasabay ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa buong Metro Manila.

Ang pagtigil sa implementasyon nito ay alinsunod naman sa bagong pinasa na Ordinance Number 724 Series of 2020.


Nakapaloob dito ang pag-alis na sa limitasyon sa bilang ng maaaring bilhing produkto ng isang mamimili sa lungsod.

Hinggil dito ay nagpapasalamat ang lokal na pamahalaan ng Valenzuela sa lahat ng nakiisa at sumunod sa nabanggit na ordinansa.

Facebook Comments