Pinalawig pa hanggang December 1, 2020 ang simula ng implementasyon ng cashless toll collections sa pamamagitan ng Radio-Frequency Identification (RFID) stickers mula sa naunang schedule na Nobyembre 2.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay para bigyan daan ang ilang motoristang hindi pa nakakapagpakabit ng nasabing sticker.
Maliban dito, ito rin daw ay para hindi na pumila pa nang mahaba ang ilang motorista dahil sa pagmamadaling makabitan ng RFID sticker.
Tiniyak naman ng Toll Regulatory Board na tuloy-tuloy lamang at walang deadline ang pagdidikit ng RFID stickers sa mga sasakyang gagamit ng toll roads para sa cashless payment system.
Facebook Comments