Implementasyon ng Child Car Seats Law at Motor Vehicle Inspection Service, ipinagpaliban na ni Pangulong Duterte

Ipinagpaliban na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang implementasyon ng dalawang pinag-uusapang batas kaugnay sa mga sasakyan.

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque, nagdesisyon na ang Pangulo na ipagpaliban ang pagpapatupad ng Child Car Seats Law habang hindi na magiging mandatory ang Motor Vehicle Inspection Service.

Ibig sabihin nito, wala nang karagdagang singil para sa pagpaparehistro ng mga sasakyan.


Kaugnay nito, tiniyak naman ni Land Transportation Office (LTO) Chief Ed Galvante na susundin nila ang utos ni Pangulong Duterte.

Habang pumayag na ang mga operators ng Private Motor Vehicle Inspection Centers (PMVICs) na ibaba ang nakolektang bayad mula sa mga pribadong motorista para makatulong sa mga Pilipino sa gitna ng pandemya.

Facebook Comments