Implementasyon ng COMELEC gun ban sa BARMM, nagsimula na

Pormal nang sinimulan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatupad ng gun ban sa iba’t bang parte ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) bilang bahagi ng unang parliamentary election sa October 13.

Bawat panig ng rehiyon ay opisyal na naglunsad ng kick-off ceremony para sa unang araw ng gun ban ngayong August 14.

Sa Cotabato City, mismong si City Acting Election Supervisor at Special Geographic Area (SGA) Supervising Lawyer Atty. Mohammad Nabil Mutia ang nanguna sa kick-off ceremony.

Dito ay ipatutupad ng mga alagad ng batas ang mahigpit na checkpoint at chokepoint operation sa iba’t ibang lansangan.

Kabilang sa mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga baril, lisensyado man o hindi, at iba pang mga deadly weapon maliban kung may exemption permit o certificate of authority mula sa COMELEC.

Sa panayam ng DXMY, sinabi ni Mutia na ipagbabawal din ang pagdadala ng mga bodyguard maliban kung may pahintulot mula sa COMELEC.

Facebook Comments