IMPLEMENTASYON NG FEEDMILL PROJECT SA ILAGAN, PINAGPULUNGAN

CAUAYAN CITY – Nagsagawa ng pagpupulong ang Famsun, Kasetphand Group, at si Ilagan City Mayor Jay Diaz upang talakayin ang implementasyon at pagpapatupad ng Agro-Industrial/Feedmill Project sa Brgy. Cabannungan, Ilagan City.

Ang proyekto ay nakatakdang ilunsad sa ika-8 ng Abril ng kasalukuyang taon, sa pakikipagtulungan ng City of Ilagan Chamber of Commerce and Industry.

Ang proyektong ito ay isang hakbang sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura, na sumusuporta sa layunin ni Mayor Diaz na isulong ang agrikultura at tiyakin ang kaunlaran ng mga Ilagueño farmers.


Kapag operational na ang proyekto, inaasahang magbibigay ito ng mga oportunidad sa trabaho at negosyo sa mga mamamayan ng Ilagan.

Sa pamamagitan ng Investment Promotions Program na pinangunahan ni Mayor Jay Diaz, nakahikayat ang lokal na pamahalaan ng mga multinational investors.

Samantala, may nakatakdang bisita mula sa isang potensyal na investor para sa isang posibleng pamumuhunan na nagkakahalaga ng P500 milyong halaga ng State-of-the-Art Mechanical Drying Facilities sa Lungsod ng Ilagan.

Facebook Comments