IMPLEMENTASYON NG LIMITED FACE-TO-FACE CLASSES SA REGION 1, WALANG NAKIKITANG ABERYA AYON SA DEPED REGION 1

Matagumpay at walang nakitang aberya ang pamunuan ng DepEd Region 1 kasabay ng pag implementa ng limited face-to-face classes sa iba’t ibang paaralan sa buong Rehiyon kahit pa nararanasan ang COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Head of the Public Affairs Unit, Office of the Regional Director, DepEd Region1 na si Cesar Bucsit na batay sa assessment at koordinasyon nila sa iba’t ibang District at Division Offices ay wala silang naitalang nagkasakit sa hanay ng guro at estudyante habang nakapatupad ang limited face-to-face classes.
Dagdag nito na ginawa nila ang lahat ng precautionary measures at health protocols upang sa gayon ay maayos na mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng mga nasa paaralan.

Binanggit pa nito na ang mga kailangang isagawa at gawin sa lugar ay tinututukan ng Regional Office, School Offices, Head Teachers at School Coordinators Personnel.
Samantala, tiniyak naman nito na kahandaan ng mga paaralan sa Rehiyon Uno sakaling palawigin pa ang pag implementa ng limited face-to-face class sa dito sa Rehiyon.
Mababatid na nagsimula ang limited face-to-face classes sa buong bansa noong buwan ng Nobyembre ng nakaraang taon sa mga piling paaralan na maituturing na low risk sa COVID-19 at pumasa sa panuntunang inilatag. | ifmnews
Facebook Comments