Proclamation rally ni vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio, hindi lalahukan ni Pangulong Duterte

Wala sa official schedule ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpunta sa proclamation rally ng kanyang anak na si vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio.

Ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Sec. Karlo Alexei Nograles, hindi sisipot dito ang pangulo.

Ngayong araw ang proclamation rally ni Inday Sara kasama ang kanyang running mate na si presidential candidate Ferdinand Marcos Jr., sa Philippine Arena sa Bulacan.


Kasunod nito, sinabi ni Nograles na wala pang sinusuportahang kandidato sa pagkapangulo ang punong ehekutibo.

Aniya, tuloy-tuloy pa ang pag-uusap sa kinaaanibang partido ng pangulo na PDP-Laban hinggil sa i-eendorso nilang manok sa pagka-presidente sa nalalapit na eleksyon 2022.

Facebook Comments