Pinapa-imbestigahan ni Quezon City Rep. Marvin Rillo sa House Committees on Local Government; Metro Manila Development at Transportation ang kontrobersyal na pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP sa ilang siyudad sa Metro Manila.
Sa inihaing House Resolution 237 ay ipinaliwanag ni Rillo na kailangang magsagawa ng imbestigasyon “in aid of legislation” ukol sa implementasyon ng NCAP upang makapaglatag ng angkop na mga hakbang para sa kapakanan ng mga motorista at mga commuter.
Bukod dito, ay iginiit din ni Rillo na suspendihin ang implementasyon ng NCAP, habang wala pang “uniform guidelines” para rito.
Katwiran pa ni Rillo, kailangan ding malinawan ang mga isyu laban sa NCAP tulad ng potensyal na magamit ito sa pang-abuso dahil masyadong mataas, at hindi makatarungan ang multa at parusa, bukod pa sa abala.