Senado, inaprubahan ang resolusyon ng pakikiramay at pagkilala sa yumaong batikang aktres na si Cherie Gil

Pinagtibay ng Senado ang isang resolusyon na nagpapaabot ng pakikiramay sa pagpanaw ng batikang aktress na si Evangeline Rose Gil Eigenmann o mas kilala bilang Cherie Gil.

Sa Senate Resolution 109 na inihain ni Senador Ramon Bong Revilla Jr., kinilala ang film at television actress na si Cherie Gil na nasawi noong August 7, 2022 sa edad na 59 anyos.

Nakasaad sa resolusyon na ang pagpanaw ng batikang aktres ay malaking kawalaan hindi lamang sa kanyang pamilya kundi sa buong bansa.


Pitong taong gulang nang magsimula si Cherie Gil sa kanyang acting career at naging bahagi ang aktres sa 109 na pelikula, television shows at theater acts.

Mas nakilala naman si Cherie Gil sa pagganap nito sa mga pelikulang “Oro Plata, Mata’, “Manila By Night”, at “Bituing Walang Ningning.”

Facebook Comments