Implementasyon ng patakaran sa yellow lane para sa mga PUB, mahigpit ng ipatutupad ng MMDA

Manila, Philippines – Simula Lunes hindi na papayagan ng MMDA ang mga pampublikong sasakyan na lumabas sa yellow lane.

Ayon kay MMDA Assistance Gen Manager Joel Garcia anumang PUB na lumabag sa patakaran ay pagmumultahin ng 200 piso para sa PUB at may kasamang kasong reckless imprudence habang ang mga pribadong sasakyan na gumamit ng yellow lane ay magmumulta 500 piso.

Paliwanag ni Garcia ipinagbabawal din ang sobrang tagal ng pagsasakay at pagbaba ng mga pasahero na lilikha ito ng matinding trapiko.


Pinayuhan din ni Garcia ang mga PUB driver na huwag ng maglilipat ng linya bagkus dumeretso nalamang upang hindi magkaroon ng matinding trapiko sa EDSA.

Facebook Comments