Boston Celtics, nakuha ang ika-labing apat na panalo kontra defending champion Golden State Warriors

Sports – Isinalpak ni Kryrie Irving ang dalawang free throws sa dying seconds ng laro para makumpleto ng Boston Celtics ang 92–88 comeback win laban sa defending champion Golden State Warriors.

Ito ang ika-labing apat na sunod na panalo ng Celtics sa NBA.

Tambak ang Boston sa third quarter pero isang 19-0 run ang ginawa ng Celtics kaya para maitabla ang score 68-all.


Pagdating sa 4th quarter dito na sumabay ang Boston para masilat ang Warriors.

Dahil sa pagkatalo, naputol ang seven game win streak ng Golden State at bumagsak ang team sa 11-4 win loss slate.

Facebook Comments