Lubos ang pagpapasalamat ni Maguindanao Governor Bai Mariam Sangki Mangudadatu sa lahat ng mga Local Chief Executives ng lalawigan lalong lalo na sa mga mamayan mula sa 36 na bayan na nakiisa sa Memorandum Circular 2019-121 ng DILG Central Office o ang implematasyon ng road clearing.
Isa aniyang napakalaking hamon at sakripisyo ang pagpapatupad ng road clearing matapos matamaan ang ilang establisyemento at pamamahay na nakatayo sa mahabang panahon sa gilid ng kalsada ayon pa sa Gobernadora sa naging pahayag nito sa DXMY.
Kaugnay nito, iginiit naman ng Gobernadora na ang ngaing hakbang ng Provincial Government at ng mga LGU ay bunsod na rin sa pagtalima o pagtugon sa direktiba ng kalihim ng DILG sa ilalim na rin ng superbisyon ni Presidente Rody Duterte.
Kaugnay, bagaman wala pang opisyal na resulta na inilalabas ang MILG BARMM matapos ang isinagawang assessment at validation , ikinagalak pa rin ni Governor Bai Mariam na halos lahat ng mga munisipyo ay pasado.
Pinuri rin nito ang DILG Maguindanao sa pamumuno ni Director Aminah Dalandag at maayos na naipatupad sa buong lalawigan ang Road Clearing.