Implementasyon ng Salary Standardization Law 5 sa 2020, wala ng magiging problema

Job applicants queue up at a counter for job vacancies offered by different local companies during a job fair at a mall in Manila on October 27, 2010. The Philippines is creating more jobs but too many skilled people are still unable to find work, economic planning minister said. Unemployment eased to 6.9 percent in July as an improving economy opened up more jobs, mostly in the farm sector, the government reported a day earlier. AFP PHOTO/TED ALJIBE

 

 

Inihayag ni Senate Finace Committee Chairman Sonny Angara na wala nang magiging problema sa implementasyon ng Salary Standardization Law 5.

 

Ayon kay Angara, nakasama na ang implementasyon sa 4.1 trillion pesos 2020 national budget kung saan ang ikalimang round ng salary increase ay ipapatupad simula January 1, 2020 hanggang 2023.

 

Nabatid na aabot sa 130.45 billion pesos ang kakailanganin para maipatupad ang ssl 5 habang 33.15 billion pesos naman ang kailangan sa unang taon ng implementasyon.


 

Giit pa ni Angara, kailangang maibigay ang dagdag sahod bilang tugon sa tumataas na presyo ng mga bilihin, transportasyon at edukasyon.

 

Sa ilalim kasi ng SSL 5, ang pinakamababang salary grade level ng mga empleyado na tumatanggap ng higit dalawang-libong piso kada buwan ay magiging labin-tatlong libo sa 2020.

Facebook Comments