Implementasyon sa Modernization Transportation System, Target Iimplimenta sa Rehiyon Dos!

Cauayan City, Isabela- Target ngayong 2020 ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang full implementation ng modernization transportation system sa rehiyon dos.

Ayon kay Edward Cabase, Regional Director ng LTFRB, may mga naumpisahan nang hakbang ang ilang ahensiya ng pamahalaan katuwang ang Department of Transportation at Transport Cooperative tungo sa pagbabago sa sistema ng transportasyon sa rehiyon.

Unang inilunsad nitong nakaraang taon sa lalawigan ng Isabela ang mga implementasyon sa naturang modernong sasakyan kung saan may ilang transport cooperative ang nabigyan at nabiyayaan ng prangkisa.


Maliban sa mga modernong bus ay magsisimula na rin mamasada ang mga bagong taxi na nabigyan ng prangkisa sa rehiyon dos.

Kaugnay nito, paiigtingin umano ng nasabing ahensya ang operasyon sa anti-colorum campaign, paghuli sa mga nagmamaneho na nasa impluwensiya ng nakalalasing na inumin at iba pa.

Umaapela ang ahensya sa publiko na suportahan ang kanilang mga programa tungo sa mas ligtas, maginhawa, komportable at maayos na pampublikong sasakyan simula ngayong 2020.

Facebook Comments