Implementing guidelines para sa free tuition program ng gobyerno sa mga state universities – inilabas na ng CHED at DBM

Manila, Philippines – Naglabas ng implementing guidelinesang Commission on Higher Education at Department of Budget and Managementkaugnay ng free tuition program ng gobyerno ngayong taon.
  Nakapaloob sa 2017 general appropriations act ang walongbilyong piso na Higher Education Support Fund (HESF), at inilaan ito sa MgaState University at Colleges sa bansa para sa ‎2017-2018 school year.
  Batay sa joint memorandum, sakop ng free tuition programang lahat ng estudyanteng Filipino na mag-eenroll sa undergraduate courseprograms sa SUCS para sa academic year ‎2017-2018.
  Hindi dapat singilin ng SUCS ang mga estudyante ngtuition at sa halip, kailangan nalang ito kunin sa higher education supportfund sa pamamagitan ng billing statements para sa CHED.
  Pero, hindi sakop ng programa ang miscellaneous at ibapang fees, at maaari itong singilin sa estudyante.
  Kasabay nito, tiniyak ni Nicholas Tenazas, Deputy ExecutiveDirector ng CHED – na kabilang sa kanilang ipa-prayoridad ang mahihirap naestudyante at benepisyaryo ng 4Ps.
  Tiniyak din nito na magiging maayos ang pagpapatupad ngnaturang programa.

Facebook Comments