Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa nationwide smoking ban – ilalabas na ng DOH sa susunod na buwan, bilang ng mga kabataang naninigarilyo – dumarami

Manila, Philippines – Patuloy na hinihikayat ng Department of Health ang mga kabataan na huwag ng subukan ang paninigarilyo.

Ayon kay Sec. Paulyn Jean Ubial – batay sa pag-aaral mas dumami ang mga kabataang naninigarilyo na hanggang sa kanilang pagtanda ay dala-dala pa rin ang masamang bisyong ito.

Payo kalihim, huwag ng simulan o subukan pa ang paninigarilyo dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan.


Samantala, sinabi ni Ubial na target nilang ilabas ang Implementing Rules and Regulations (IRR) para sa nationwide smoking ban sa unang linggo Hulyo o bago ang 60 days provision sa executive order.

Gayunman, sabi ng kalihim hindi na kailangang hintayin ng mga Local Government Unit ang IRR at maari na silang maglabas ng kanilang ordinansa.

Facebook Comments