Pangulong Rodrigo Duterte – hindi pa rin nagpapakita sa publiko, Malacañang – tiniyak ng walang malubhang sakit ang pangulo

Manila, Philippines – Hanggang ngayong ay hindi pa rin nagpapakita sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa Malacañang press briefing – muling tiniyak ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na walang malubhang sakit ang Pangulong Duterte at kailangan lang ng pangulo ng pahinga matapos ang sunod-sunod nitong aktibidad sa mga kampo militar sa Mindanao at pagdalaw sa mga nasawing sundalo sa Marawi City.

Matatandaan na kahapon dapat ay uuwi sana ng Davao City si Pangulong Duterte, pero sa hindi pa sinasabing dahilan ay hindi ito na tuloy at sa halip at nanatili na lamang ang pangulo sa Malacañang.


Kasama ng pangulo ngayon ang kanyang common law wife na si Honneylet Avancena at anak na si Veronica.

Wala parin namang inilalabas ang Malacañang na schedule ang pangulo ngayong araw at maging sa mga susunod na araw.

Facebook Comments