Nilagdaan na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at iba pang ahensya kahapon ang implementing rules and regulations ng Republic Act 11861 o ang Expanded Solo Parents’ Welfare Act.
Ito ay ang pag-amyenda sa RA 8972 o ang Solo Parents Welfare Act of 2000 kung saan mas pabor sa mga solo parents ang bagong batas.
Sa ilalim nito, makakatanggap ng 1,000 pisong buwanang subsidiya mula sa lokal na pamahalaan na kumikita ng minimum wage pababa at kapag hindi sila benepisyaryo ng iba pang cash assistance programs ng pamahalaan.
Makakatanggap din ang mga solo parents ng 10% discount at VAT exemption sa gatas, pagkain, micronutrient supplements, diapers, gamot, bakuna at iba pang medical supplements na kakailanganin ng bata hanggang anim na taong gulang.
Maliban dito ay ipaprayoridad din ang National Housing Authority (NHA) ang mga solo parents sa murang pabahay, maaaring mag-apply ng scholarship programs ng TESDA at marami pang iba.